Nagpasa ng kanilang resignation letter ang tatlong opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa natuklasang malawakang korapsyon sa tanggapan.
Ang kanilang pagbibitiw ay kasunod ng online meeting kung saan nadiskubre ang korapsyon sa ahensya na nauwi sa mainit na pagtatalo ng ilang opisyal ng PhilHealth.
Batay sa isang resignation letter, ang nagbitiw ay isang anti-fraud officer na isinusulong ang kampanya laban sa korapsyon sa PhilHealth.
Mariin niyang tinututulan ang mandatory payment ng PhilHealth contribution sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) dahil unconstitutional ito o hindi bahagi ng Universal Health Care Law.
Laganap ang hindi patas na promotion process na dapat imbestigahan ng isang independent body.
Hindi naibibigay sa tamang panahon ang kanyang sahod at hazard pay nang imbestigahan niya ang mga tauhan ng PhilHealth.
Sa ngayon, wala pang tugon ang PhilHealth hinggil dito.