3 oras na power interruption sa NAIA, mararanasan kasunod na rin ng nakatakdang electrical maintenance work sa November 29

Makararanas ng tatlong oras na power interruption sa November 29 ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kasunod na rin ng isasagawang electrical maintenance activities.

Magsisimula ang scheduled outage ng alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-3:00 ng madaling araw.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), ang isasagawang maintenance work sa electrical system ng nasabing paliparan ay ang pag-upgrade ng power cables, pagpapalit ng medium voltage circuit breakers, relays at pagsasaayos ng protection settings.


Mananatili namang fully operational ang lahat ng critical system gaya ng check-in counters, immigration booths, security scanners, boarding bridges, conveyor belts, at iba pang mahahalagang pasilidad ng airport.

Ang electrical maintenance activities ay isasagawa para maiwasang mangyari ulit ang aberya noong bagong taon kung saan libu-libong mga pasahero ang naapektuhan matapos na makaranas ng technical issues ang air traffic management center ng paliparan.

Facebook Comments