SSS, binigyan ng notices of violation ang 8 delinquent employers sa Parañaque City

Kinumpirma ng Social Security System (SSS) ang walong business na binigyan lang ng 15 araw ng ahensiya ang walong business employers sa Parañaque City na i-settle ang kanilang contribution delinquencies.

 

Ayon sa SSS, ang walong delinquent employers mula sa Sun Valley at Merville ay pinayuhan na makipag-ugnayan sa SSS Bicutan-Sun Valley Branch.

 

Paliwanag ng SSS, inisyuhan ang mga retail establishment ng notices of violation sa isinagawang Run After Contribution Evaders (RACE) operation kamakailan.


 

Natuklasan na mayroong P1.70 million unpaid contributions at karampatang penalties ang mga employer na nakaapekto sa 82 manggagawa  nito.

 

Kapag nabigo ang mga employer na bayaran ang kanilang obligasyon ay tuluyan na silang masampahan ng kasong sibil at kriminal dahil sa paglabag sa Republic Act No. 11199 o ang Social Security Act of 2018.

Facebook Comments