American national na senior citizen at sex offender, naharang sa NAIA

Hindi na pinapasok ng Bureau of Immigration (BI) sa bansa ang isang American national na sex offender sa kanilang bansa.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang suspek ay si Daniel Ruic Kimball, 64 years old na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sakay ng Japan Airlines flight mula Narita.

Ayon kay Tansingco, si Kimball ay hinarang dahil sa conviction nito bilang sex offender sa United Stated (US).


Base sa Interpol National Central Bureau (NCB) sa Manila, convicted ang banyaga ng Missouri noong January 2006 dahil sa pangha-harass at pamimilit sa isang 27-years old na babae.

Si Kimball ay agad pinabalik sa kanyang port of origin at hindi na papayagang makapasok pa ng bansa.

Facebook Comments