3 patay 9 sugatan dahil sa Bagyong Paolo sa Central Mindanao

Ibat ibang disgrasya ang naitala sa ibat ibang bayan sa Central Mindanao bunsod pa rin sa sama ng panahon na dulot ni Bagyong Paolo.

Kabilang na rito ang pagkakasawi ng dalawa katao matapos tumaob ang kanilang sinasakyang Bangka sa Tawan- Tawan River sa Carmen North Cotabato kahapon.

Sinasabing lulan ng lima katao ang Bangka , dahil malakas ang ulan at alon ng ilog bigla na lamang tumaob ito at di na namagawang maihaon ang dalawang di na kinilalang indibidwal na mga residente ng Brgy Kitulaan Carmen, ayon pa kay Mercidita Foronda, North Cotabato PDRRMO.


Habang 7 katao rin sa bayan ng Pikit North Cotabato ang naging sugatan sa karambola ng 4 na motorsiklo kahapon . Sinasabing dahil sa madulas pa ring kalsada bunsod sa ulan nag ugat ang aksidente .

Sa ngayon nagpapatuloy sa panawagan ang PDRRMO sa publiko na iwasan munang maglayag o bumyahe para makaiwas sa disgrasya.

Samantala sa bayan ng Upi sa Maguindanao, tumaob rin ang isang ambulansya pasado alas dyes kagabi.

Ihahatid sana sa Cotabato City Regional Hospital ang 2 marines na naunang nainvolved sa vehicular accident ngunit pagsapit sa tapat ng Agricultural School ay biglang nadisgrasya ang Ambulance .

Di na umabot ang di na ring kinilalang Marines ng myembro ng MBLT2 habang sugatan ang dalawang iba pang sakay ng tumaob na ambulance.







Facebook Comments