3, patay sa sunog sa Cebu

Cebu – Patay ang isang lola at ang kanyang dalawang apo sa nangyaring sunog sa Sitio Sudtonggan sa Barangay Basak, Lapu-Lapu City, Cebu.

Kinilala ang mga biktima na sina Rosalinda Armilla, 55-anyos at mga apo nito na sina Desiree Jalipot, 14-anyos at Aaliyah Jean Inoc, 7-anyos.

Ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad, na-trapped sa ikalawang palapag ng bahay ang mga biktima nang mangyari ang sunog kaya na-suffocate hanggang sa tuluyang namatay.


Aabot naman sa P300,000 ang pinsala ng sunog na patuloy na inaalam ang sanhi.

Facebook Comments