3, patay sa sunog sa Parañaque City

Parañaque City – Patay ang tatlo katao matapos ang nangyaring sunog sa Barangay Moonwalk sa Parañaque City.

Ayon kay Insp. Mark Tuto, hepe ng investigation section ng Parañaque Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog sa St. Mary’s Extension sa Daang Batang Street alas-2:45 Martes ng hapon.

Aniya, nagsimula ang sunog sa bahay ng 52-anyos na si Kristina Miranda sa hindi pa malamang dahilan.


Namatay si Miranda sa matinding pinsala sa ulo bagaman at nadala pa siya sa ospital.

Kumalat ang sunog sa nasa 50 pang bahay, kung saan na-trap at namatay naman ang dalawa pang biktima na sina Maria Jocelle Maglakas, 26, at Eden Marie Cubian, 29.

Nasa 120 residente ang nawalan ng bahay habang tinatayang P500,000 ang halaga ng pinsala sa sunog.

Facebook Comments