2 drug suspek, timbog sa Makati City

Kalaboso ang dalawang drug suspek sa ikinasang buy-bust operation sa Makati City.

Kinilala ang mga suspek na sina Mario Garcia, 44-anyos at Grace Opresio, 40, kapwa residente ng Barrio Visayas Street Guadalupe Nuevo.

Nakuha sa mga suspek ang 10 sachet ng hinihinalang shabu at P200 buy-bust money.


Bago ang operasyon, nakatanggap pa ang mga pulis ng impormasyon hinggil sa ilegal na aktibidad ng dalawa kabilang ang isa pa nilang kasamahan na si Annalyn na nasa drug watchlist ng lungsod.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments