3 Pinoy na nabiktima ng scam sa Laos, nakauwi na ng Pilipinas

Muling nagbabala ang Bureau of Immigration o BI sa mga gustong magtrabaho sa ibayong bansa na mag-ingat sa mga illegal recruiter at mga human trafficker.

Kasunod na rin ito ng pagdating sa bansa ng tatlong Pilipinong nabiktima ng scam sa bansang Laos.

Ayon sa Bureau of Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES), ang lahat ng mga biktima ay babae.


Dumating ang mga biktima sa Pilipinas lulan ng AirAsia flight mula sa Vientiane matapos mabiktima ng scam hub sa naturang bansa.

Inamin naman ng mga biktimang sila ay na-recruit para magtrabaho bilang mga call center agent.

Pero gaya ng mga nakaraang repatriates, ang mga biktima ay nagtrabaho bilang scammers na nagsasagawa ng love scam operations.

Facebook Comments