3 police intel officer, sinibak dahil sa umano ay ‘profiling’ sa mga gurong miyembro ng Alliance of Concerned Teachers

Manila, Philippines – Sinibak na ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang tatlong intelligence officer ng Manila Police District, Police Station 6 ng Quezon City at Zambales.

Ito ay matapos na kumalat sa social media ang isang PNP memorandum kung saan nakasaad ang ginagawang profiling sa mga gurong miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT).

Ayon kay Albayalde – nagdulot ng “unwanted panic” o takot sa mga subject ng profiling ang pag-leak na memo na dahil na rin sa kapabayaan ng tatlong police intel officer.


Gayunman, iginiit ni Albayalde na ligal ang paglilista nila sa pangalan ng mga gurong kasapi ng act at hindi ito dapat ituring na banta sa kanilang organisasyon.

Wala rin daw dapat ikabahala ang mga guro kung wala naman silang ginagawang masama.

Matatandaang sinabi noon ni CPP Founding Chairman Jose Maria Sison na front organization nila ang Alliance of Concerned Teachers.

Facebook Comments