Sinibak sa pwesto ni PNP Officer in Charge Police Lt. Gen. Archie Gamboa ang tatlong police major dahil sa pangongotong ng nasa 5 milyong piso sa mga proponents ng body cameras ng Philippine National Police (PNP).
Kinilala ang ito na sina Police Major Emerson Sales, Police Major Rholly Caraggayan at Police Major Angel Beros mga taga PNP Bids and Award Committee Technical Working Group.
Ayon kay Gamboa, taong 2018 pa nasibak ang mga police officer matapos na magsumbong ang isa sa walong proponents sa pagbili ng mga body cameras ng PNP sa ginawa nilang pangongotong.
Sa ngayon nahaharap sila sa summary dismissal proceedings ng PNP Internal Affairs Service dahil sa kasong administratibo at inutos na rin ng Gamboa sa PNP CIDG ang pagsasampa ng kasong kriminal.
Kinumpirma rin ni Gamboa na dahil sa kotrobersyal na pangongotong naantala ang pagbili at delivery ng mga body cameras na may pondong mahigit 334 million pesos.
Pero ayon kay Gamboa na bago matapos ang taon ay mabibili ang mga body cameras at maide-deliver sa 2nd or 3rd quarter sa susunod na taon.