3 preso, patay sa pursuit operation na isinagawa ng Jolo Municipal Police Station

35

Jolo, Sulu – Patay ang tatlong preso habang isa ang sugatan sa isinagawang pursuit operation ng Jolo Municipal Police Station.

Una rito, labing-apat (14) na bilanggo ng Jolo MPS detention cell ang nakatakas kaninang ala 1:25 nang madaling araw.

Sampu pa sa mga nakatakas ang patuloy na tinutugis ng mga otoridad.

Nagpahiram na rin ng K-9 at drone ang AFP para mapabilis ang pagtukoy sa lokasyon ng mga pugante.

Iniimbestigahan na ng PNP-SOCO ang dahilan kung bakit nakatakas ang mga preso.

Facebook Comments