Natukoy na ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang apat na naging close contact ng unang kaso ng Omicron subvariant BA.2.12 sa bansa.
Ayon kay CESU Head Dr. Rolly Cruz, apat lamang ang nakasama ng dayuhan sa seminar nito na isinagawa sa Baguio City.
Aniya, tatlo sa mga ito ang nagnegatibo na sa COVID-19 pero nananatiling naka-quarantine habang ang isa naman ay nakaalis na ng bansa kasama ang Finnish National.
Sa isinagawa namanng contact tracing ng local epidemiology and surveillance unit ng Baguio, siyam na asymptomatic close contacts ng nasabing dayuhan ang natukoy kung saan dalawa dito ay nagnegatibo sa COVID-19.
Facebook Comments