3 Sasakyan sa Bambang, Nueva Vizcaya, Nagsalpukan!

*Cauayan City, Isabela- *Masuwerteng walang nasaktan maliban sa natamong gasgas ng tatlong sasakyan na luluwas papuntang kalakhang Maynila matapos na magbanggaan sa bahagi ng pambansang lansangan ng Brgy. Indiana, Bambang, Nueva Vizcaya.

Sa ipinarating na ulat ni P/Maj. Jobs Videz, tagapagsalita ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office o NVPPO sa 98.5 iFM Cauayan natumbok ng Toyota High Ace na minamaneho ni Henry Tuliao ang likurang bahagi na sinusundang Nissan Urvan na may plakang BCV 792 na minamaneho ni Ricardo Isidro at napahagingan din nito ang sinusundan Isuzu Mux na may conduction sticker a co2291.

Lumapabas sa pagsisiyasat ng kapulisan ng Bambang na nagkaroon ng driver error dahil sa madulas na kalsada dahil sa lakas ng pag-ulan kagabi sa naturang lugar.


Agad din nagkasundo ang tatlong panig na sangkot sa naturang aksidente.

Facebook Comments