16 taong gulang pinagsasaksak ng kaniyang Step Father sa Binalonan Pangasinan

Sugatan ang isang menor de edad sa Barangay Dumayat, Binalonan Pangasinan matapos itong pagsasaksakin ng kaniyang amain. Kinilala ang biktimang si Mark Anthony Jimenez, 16 taong gulang at ang suspek na si Cris Sia, 33 anyos.

Sa report ng pulisya, umuwi ang suspek na nakainom at nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan nilang dalawa. Nagtamo ng tatlong saksak sa likuran ang bitima at agad namang naisugod sa Urdaneta City Community Hospital.

Nang arestuhin ng pulisya ang suspek sinubukan nitong magkamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng pesticide. Samantala, maaring humarap sa kasong homicide ang amain nito.


Facebook Comments