3 sundalo, patay sa pamamaril ng mga pinaghihinalang miyembro ng NPA sa Albay

854

Patay ang tatlong sundalo ng Philippine Army matapos pagbabarilin ng mga pinaghihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Legazpi City, Albay.

Ayon kay Southern Luzon Command (SolCom) commander Lieutenant General Antoni parlade Jr., nangyari ang shooting incident sa Barangay Bangkerohan.


Naka-sibilyan at walang dalang armas ang mga sundalo nang pagbabarilin sila ng mga suspek.

Papunta sana sila sa isang pulong kasama ang lokal na pamahalaan hinggil sa pagbibigay ng seguridad para sa isang road construction project.

Samantala, paghihiganti ang tinitingnang motibo ng militar sa insidente kasunod ng pagkamatay ng 11 miyembro ng NPA kabilang ang kanilang vice platoon leader sa kanilang combat operations.

Facebook Comments