Sumiklab na sunog sa isang residential area sa Alabang, Muntinlupa, umabot sa ika-apat na alarma

234

Itiinaas hanggang ika-apat na alarma ang sunog na sumiklab sa isang residential area sa Barrio Bisaya Barangay Alabang ngayong umaga.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR), nagsimula ang sunog pasado alas-8:00 ngayong umaga kung saan agad na iitinaas ang 1st alarm makaraan ang 20 minuto.


Nangyari ang nasabing sunong malapit sa Muntinlupa Terminal at harap ng isang Mall sa Barangay Alabang ng nsabing lungsod.

Sa tala ng BFP, nasa 450 na pamilya ang nawalang bahay ng nasabing sunog.

Wala naman nasugatan o nasaktan at nasawi nadulot ng sunog.

Dineklarang fire under control pasado alas-10:00 ng umaga at pasado-11:00 naman ng umaga ideneklarang fire-out.




Patuloy pa ang inaalam ang dahilan ng nasabing sunog.

Facebook Comments