3-Taong-gulang, Patay sa Taga, Suspect, Pinatay din ng Taumbayan

Nakakapangilabot ang sinapit ng isang 3-taong-gulang na batang lalaki sa Barangay San Antonio, Iriga City. Si John Andrew Abaño, 3-anyos ay pinatay sa pamamagitan ng taga’ ng isang 30-anyos na lalaking may problema sa pag-iisip.
Sa report ng pulisya, isang lalaki na may dala-dalang itak ang nagwala at nanghahabol ng mga tao. Ang suspect na kinilalang si Hansel Namoro, edad 30 ng kaparehong lugar.
Sa salaysay ni Angeline, ina ng biktima, kasama niya ang kanyang anak at nakatakbo sila papasok sa kanilang bahay para doon magtago. Suballit nang kanya ng isara at ikandado ang pintuan, may kumalabog na parang sumipa sa pintuan at paglingon niya, nandun na ang lalaking may dala ng itak at inundayan siya ng taga. Katabi niya ang kanyang anak. Nakaiwas ang ina, nataranta, at napatakbo sa labas ng kanilang bahay.
Naisipan niyang bumalik sa loob ng bahay upang kunin at iligtas ang bata dahil nga naiwanan niya. Subalit hindi na niya nagawang makapasok dahil ikinandado ng suspect ang pinto ng bahay.
Doon na naganap ang nakakapangilabot na pangyayari.
Nang sapilitang buksan ang bahay, nakita na lamang ng mag-asawa at ng mga taong nakasaksi sa pangyayari na naliligo na sa sariling dugo ang kawawang bata. Sugatan. Wala ng malay.
Sinikap pang dalahin sa pagamutan ang biktima subalit idineklara na ito itong dead on arrival ng doctor.
Dahil sa pangyayari at sa napakadelikadong sitwasyon ng suspect, at sa nag-aalimpuyong galit ng taumbayan, hindi na nila pinaligtas pa ang suspect. Pinagbabato nila ang suspect hanggang sa mamatay rin ito.

Facebook Comments