Tinatayang nasa 30% ang nasasayang na produktong agrikultura sa bansa.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Department of Agriculture (DA) Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., ang pagkasayang ng mga gulay ay dahil sa mabagal na logistics system sa food supply chain.
Ayon kay Laurel, ang mga nasayang na produkto ay katumbas ng 10% hanggang 15% na mga gulay at high value crops.
Ito aniya ang isa sa prayoridad na tugunan ng administrasyong Marcos upang matulungan ang mga magsasaka at maging ang mga konsumer.
Maliban dito, sinabi pa ni Laurel na magkakaroon ng reorganization sa mas epektibong regulasyon sa food safety ng bansa.
Facebook Comments