30 Chinese national, arestado ng Bureau of Immigration

Manila, Philippines – Nasa 30 Chinese national ang naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration dahil sa pagtatrabaho sa bansa ng walang kaukulang permit.

Nadakip ang mga dayuhan sa 16 na establisyimento sa solemare parksuites at ASEANA power station sa Diosdado Macapagal Boulevard.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente – karamihan sa mga inaresto ay nagtatrabaho sa lugar bilang mga cook, vendors at salon workers.


Bukod sa tourist visa lang ang hawak ng mga dayuhan, overstaying na rin sa bansa ang mga ito.

Tiniyak ni Morente na magpapatuloy ang kanilang mga ginagawang raid sa mga lugar na pinapasukan ng mga illegal alien sa bansa.

Samantala, nakakulong na sa BI Detention Center sa Bicutan, Taguig City ang mga inarestong dayuhan habang inihahanda ang deportation proceedings laban sa kanila.

Facebook Comments