Iginiit ng National Action Plan against COVID-19 na ang 30% allocation ng Intensive Care Unit (ICU) bed sa mga pasyenteng may COVID-19 ay kailangang itaas.
Ayon kay Chief Testing Czar Vince Dizon, mahalagang mapalawak ang allocation ng ICU beds lalo na at patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Patuloy pa ring ipinapatupad ang referral system kung saan ang mga ospital na puno na ang kanilang ICU beds ay maaaring ilipat ang COVID-19 cases sa iba pang health facilities na may bakante pang ICU beds.
Binigyang diin ni Dizon na importante ang management ng mga COVID-19 cases.
Sa ngayon, inaatasan ng Department of Health (DOH) ang mga ospital na maglaan ng 30% ng kanilang ICU beds sa mga COVID-19 patients, pero maaari itong itaas ng 10% sakaling magkaroon ng spike o surge ng kaso.