30 na Nakapagtapos ng Agriculture, Binigyan ng Sariling Bukid

Cauayan City, Isabela- Pormal nang tinanggap ng tatlumpu (30) na kwalipikadong nagtapos ng kursong Agriculture mula sa bayan ng Lal-lo, Cagayan ang Certificates of Land Ownership Award (CLOAs) mula sa Department of Agrarian Reform (DAR).

Pinangunahan mismo ni DAR Secretary John Castriciones ang pamimigay ng CLOA’s sa 30 benepisyaryo sa Cagayan upang sila’y mabigyan ng pagkakataon na maisagawa ang kanilang natapos na kurso sa mismong lupa na kanilang natanggap.

Ito’y pamamaraan rin ani Castriciones na mahikayat ang iba pang mga kabataan sa larangan ng pagsasaka o agrikultura upang mamintina ang pagkain ng sambayanan.


Ayon kay Sec. Castriciones, ito ang kauna-unahang pagkakataon na namahagi ang ahensya ng libreng bukid para sa mga Agriculture graduates.

Ang mga naipamahaging lupa ay pag-aari ng gobyerno sa ilalim ng Execuitve Order (EO) No.75 o Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Facebook Comments