BELGIUM – Umakyat na sa tatlumpu (30) ang patay habang 230 ang nasugatan sa magkahiwalay na pagsabog sa Brussels, Belgium.Ayon kay Belguim Federal Prosecutor Frediric Van Leeuw – naganap ang pagsabog sa Brussels International Airport at Maelbeek Metro Subway Station.Sa ngayon, nakashut down ang lahat ng public transportation sa Brussels kasabay ng pagdedeklara ng tatlong araw nanational day of mourning.Sinabi naman ni Belgian Prime Minister Charles Michel, na kailangan nilang magkaisa para labanan ang terorismo.Ang panibagong terror attack ay inako na ng grupong ISIS.Noong Biyernes, naaresto sa Molenbeek District si Salah Abdeslam na sinasabing isa sa mga utak ng terror attack sa Paris noong Nobyembre.Matatandaan nagbanta si Abdeslam na kahit makulong siya ay magpapatuloy ang pag-atake ng kanilang grupo na may kaugnayan sa ISIS.
30 Patay, 230 Sugatan Sa Magkahiwalay Na Pagsabog Sa Brussels, Belguim
Facebook Comments