300 Kabataan, Inaasahang Dadalo sa KKDAT Workshop!

Cauayan City, Isabela- Tinatayang nasa 300 na mga kabataan ang inaasahang dadalo ngayong araw, Nov. 14, 2019 sa isasagawang workshop na Kabataan Kontra Droga at Terorismo o KKDAT sa Amphitheater Provincial Capitol, City of Ilagan, Isabela.

Dadaluhan ng mga kabataan mula sa lalawigan ng Cagayan, Nueva Vizcaya, Quirino at Isabela bilang host province maliban ang Batanes na hindi makakadalo sa isang araw na aktibidad.

Layunin ng nasabing aktibidad ay ang paglikha ng mga barangay, municipal, provincial at regional level para sa pinaigting na kampanya kontra sa iligal na droga at terorismo.


Kung saan ay madali umanong mahikayat ng mga makakaliwang pangkat ang mga kabataan dahil sa kanilang murang edad.

Inaasahan na isa sa pangunahing pandangal ay si P/BGEN Joselito Daniel, Director for Police Community Affairs Development Group mula sa National Headquarter sa Camp Crame kasama si P/BGen. Angelito Casimiro, Regional Director ng PR02, ilang opisyal at ahensya ng pamahalaan.

Facebook Comments