300-libong pisong halaga ng ari-arian, naabo sa sunog sa Pandacan, Maynila

Manila, Philippines – Nasa 300-libong pisong halaga ng ari-arian ang naabo sa sunog na naganap sa warehouse ng Department of Public Service sa Pandacan, Maynila.

Una rito, sumiklab ang sunog dakong alas onse kaninang umaga at idineklarang fire out pasado alas 12:00 kaninang tanghali.

Nabatid na imbakan ng mga gamit ng DPS ang nasunog gaya ng trash bag at walis.


Sinubukan pa umanong apulahin ng tauhan ng DPS ang apoy gamit ang fire extinguisher pero hindi na ito kinaya.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng otoridad hinggil sa sanhi ng sunog.
DZXL558

Facebook Comments