Dalawang kumpanya, kinasuhan ng tax evasion ng BIR

Manila, Philippines – Nahaharap ngayon sa kasong tax evasion ang isang retail company at restaurant operator dahil sa bigong pagbabayad ng buwis na umabot na sa halos P56-milyon.

Ayon sa Bureau of Internal Revenue, mahigit P7-M ang hindi nabayarang buwis ng Rising Giant Commercial Corporation at pangulo nitong si Francisco Chiang noong 2006.

Nakabase sa Cainta, Rizal ang nasabing kumpanya na retailer ng pagkain, inumin at tabako.


Samantala, P48.16-milyon naman ang kabuuang utang sa buwis ng RMCN Seafood and Steak Incorporated at pangulo nitong si Raymund Magdaluyo.

Minsan na umanong pinadalhan ng notice ng BIR ang dalawang kumpanya pero binalewala lamang ito.
DZXL558

Facebook Comments