Maapektuhan ng pagkansela ng Visiting Forces Agreement (VFA) ang 300 military exercises sa pagitan ng Amerika at Pilipinas.
Ayon kay US State Department Assistant Secretary for Political-Military Affairs R. Clarke Cooper sa isinagawang Asia Pacific Media Hub Call, ang 300 military exercises ng US at Philippines ay nakapaloob sa Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.
Paliwanag ni Cooper, ang mga ehersisyo ay para mapahusay ang “interoperability” sa pagitan ng US at Philippine Military.
Mahalaga aniya ito hindi lamang sa pagtatanggol ng soberanya ng Pilipinas kundi para sa pagtataguyod ng kapayapaan, seguridad sa rehiyon.
Matatandaang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ipaguutos na ng Pangulong Duterte sa Department of Foreign Affairs (DFA) na simulan na ang pagkansela sa VFA.