300 Pamilyang Aeta, Tumanggap ng Ayuda mula sa Sundalo at NGO’s

Cauayan City, Isabela- Sabay-sabay na tumanggap ang 300 pamilya ng Aeta sa Brgy. Sapang Uwak, Porac, Pampanga kamakalawa ng tulong mula sa kasundaluhan ng 48th Infantry Battalion at ilang Non-Government Organizations .

Ayon sa pahayag ni LTCOL. Felix Emererio Valdez, 48IB Commanding Officer, masaya aniya ang kanilang grupo na naging bahagi sila ng pagpapaabot ng tulong sa mga katutubong Aeta sa kabila ng umiiral na Enhanced Community Quarantine.

Naghayag naman ng pasasalamat si Col. Andrew Costelo, pinuno ng 703rd Brigade Phil.Army at sinabi niyang laging nakahanda ang hanay ng kasundaluhan sa pagtugon sa mga hamon tulad ng kinakaharap na krisis ng bansa dahil sa covid-19.


Ilang mga NGOs ang nagpaabot ng tulong gaya ng Confederate Sentinals God Inc., Frontrow Cares Group, Tribu Babaylan at Manny Pacquiao Foundation.

Facebook Comments