300 tauhan ng Manila Police District ang ipadadala sa Batasan Complex sa Quezon City sa lunes kaugnay ng huling State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang naturang mga pulis ng MPD ay makakatulong ng Quezon City Police District sa pagtiyak ng kaayusan at kapayapaan sa paligid ng Batasan Complex.
Ayon kay MPD Director Brig. General Leo Francisco, mahigpit ang kanyang kautusan na ipatupad pa rin ang maximum tolerance sa mga magtatangkang maglunsad ng kilos protesta.
Ito ay dahil sa bawal pa rin ang mass gathering ngayong panahon ng pandemya lalo na’t may banta ang Delta variant ng COVID-19.
Maging ang mga pulis ay muling pinaalalahanan na magsuot ng face mask at face shield bilang proteksyion laban sa pandemya.
Magde-deploy rin ang MPD ng mga tauhan sa Mendiola, Liwasang Bonifacio, Plaza Miranda at US Embassy sa Maynila.