40 na Tinamaan ng COVID-19 sa Isabela, Nakarekober na

14

Cauayan City, Isabela- Idineklarang ‘Fully recovered’ mula sa sakit na COVID-19 ang apatnapung tinamaan ng virus sa Lalawigan ng Isabela.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, July 23, 2021, umaabot na sa 26,741 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa probinsya.


Mayroon namang limampu (50) na naitalang bagong kaso ng COVID-19 ang probinsya at isa ang namatay na may kaugnay sa nasabing virus.

Sa kabila ng paggaling ng apatnapung (40) pasyente, mayroon pa rin 509 na aktibong kaso ang Lalawigan at umabot naman sa 867 ang kabuuang bilang ng naitalang COVID-19 related deaths.

Sumirit rin sa 28,117 ang kabuuang bilang ng naitalang kaso ng COVID-19 sa buong probinsya ng Isabela.

Facebook Comments