3,000 JUVENILE ABALONE, PINAKAWALAN SA KARAGATAN SA BANI

Pinakawalan ng grupo ng mga diver mula sa Western Pangasinan ang 3,000 juvenile abalone sa SanCeDaCo Marine Protected Area (MPA) noong Abril 8, 2026, upang suportahan ang mayaman at balanseng marine ecosystem sa lugar.

Saklaw ng SanCeDaCo MPA ang mga baybaying lugar ng Barangay San Miguel, Centro Toma, Dacap Sur, at Dacap Norte sa Bani.

Kaugnay nito, nililimitahan sa mga nasabing barangay ang pangingisda at iba pang aktibidad sa baybayin upang mapanatili ang biodiversity.

Samantala noong nakaraang taon, may kahalintulad ding aktibidad sa Bolinao kung saan isinagawa ang abalone reseeding.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang pagpapakawala ng abalone ay magpapalakas ang populasyon ng naturang marine specie sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments