3,000 sa walong libong ‘deactivated’ na TNVS mula sa GrabPH maari na muling mamasada

Pinayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na legal na muling makakapamasada ang tatlong libong mga TNVS units  matapos makapagsumite ang Grab PH ng  hinihinging mga dokumento.

 

Sa isinagawang hearing  ng LTFRB, inanunsyo ng Grab na mula nang inanunsyo nila ang deactivation sa walong libong unit hanggang kahapon ay nakapag-comply ang tatlong libong units at limang libo na lang ang matatanggal sa kanilang system.

 

Kasabay nito ay nagsawagawa naman ng rally sa harap ng LTFRB office ang ilang mga TNVS na humagamit ng hatchback o mas maliit na klase ng sasakyan.


 

Giit ng grupo, mawawalan kabuhayan ang kanilang hanay kung ito ang polisiyang ipatutupad ng LTFRB.

 

Pero giit ni Chairman Delgra, usapin ng seguridad ang dahilan kung bakit hindi na nila pinapayagang mabigyan pang muli ng prangkisa ang isang TNVS unit na gagamit ng hatchback.

 

Kung mayroon man aniyang namamasadang gaya nito ay tinatapos na lang ang expiration ng kanilang provisional authority.

 

Paiimbestigahan din ni Chairman Delgra ang sumbong ni Leonardo De Leon, chairman ng hatchback community na nagsabing may ilang mga hatchback unit na nakakuha pa ng certificate of convenience nitong nakalipas na mga araw.

Facebook Comments