305 na Bagong Sundalo, Dagdag Puwersa sa AFP

Camp Melchor F Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela – Nakatakdang magtapos ang mahigit tatlong daang bagong sundalo bukas, araw ng Sabado, Abril 31, 2018.

Sa impormasyong ipinaabot ni Army Captain Jefferson Somera, ang pinuno ng 5ID Public Affairs Office(DPAO), 305 na bilang ang nakatakdang magtatapos sa pagka sundalo matapos ang ilang buwan na masusing pag-aaral at pagsasanay.

Sabayang magtatapos ang class 152 at 153 na siyang pang-apat at pang lima na batch ng mga bagong sundalo na sumailalim sa training ng 5th Infantry Division mula noong 2016.


Binansagan ang magkasabay na graduating class na “Salaknib” o pinag-isang “sandatahang lakas ng inang bayan.”

Ang 305 na bagong sundalo ay pangunahing nanggaling sa mga lalawigan ng Isabela, Cagayan at Kalinga.

Magiging keynote speaker sa pagtatapos na ito sa araw ng Sabado ay si MGen Perfecto Rimando Jr na siya ring Commanding General ng 5ID, Philippine Army.

Ang patuloy na recruitment ng mga candidate soldiers ay bahagi ng programa ni pangulong Rodrigo Duterte na pagdadagdag ng bilang sa mga kasapi ng Armed Forces of the Philippines(AFP).

Ang seremonya ng pagtatapos ay gagawin bandang alas diyes ng umaga sa parade grounds ng 5ID, philippine Army sa Camp Melchor F dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.

Facebook Comments