30th SEA Games, ituring na investment ayon sa ilang mga mambabatas

Manila, Philippines – Umapela si House Committee on Youth and Sports Development Chairman at Valenzuela Representative Eric Martinez na ituring na investment ang pag-host ng Pilipinas sa 30th SEA Games.

Paliwanag ni Martinez, ito na ang pinakamalaking suporta na naibigay ng bansa at ng gobyerno sa larangan ng sports.

Dapat aniyang maipagmalaki na ngayon ay nagkaroon na ng stadium at iba pang sports facilities ang gobyerno hindi tulad noong 1991 at 2005 SEA Games na puro private facilities ang ginamit sa bansa.


Nilinaw pa ni Martinez na hindi dapat ipagtaka ang malaking gastos para sa SEA Games dahil aabot sa humigit kumulang 60 sporting events ang gagawin kumpara sa 30 sporting events noong 1991 SEA Games.

Hinimok ng kongresista na tingnan ang mga naitayong world class facility bilang investment para sa pagpapalakas ng sports sa Pilipinas na maipagmamalaki natin sa buong mundo.

Facebook Comments