Opisyal nang nagtapos ang 30th Southeast Asian Games sa ginanap na seremonya sa New Clark City Athletics Stadium sa Tarlac.
Nakamit ng bansa ang overall title nang magtapos na may kabuoang 387 medals o 149-Gold, 117-Silvers, 121-Bronze.
Nasa ikalawang pwesto ang Vietnam habang pumangatlo sa karera ang Thailand.
Ang lupang hinirang ay inawit ni Arnel Pineda, na sinundan ng drone show at parada ng mga atleta, team officials at volunteers mula sa 11 bansang kalahok.
Maliban dito, nagtanghal din si Pinela at bandang K-O Jones ng iba’t-ibang kanta, kabilang na ang sikat na awitin ng queen na “we are the champions.”
Tampok din ang native dance number mula sa Aeta Festival Dancers of Porac at singing performance mula sa Manila Concert Choir.
Sinundan ito ng awarding ng special prizes, kung saan binigyan ng fair play award dahil sa pagsagip sa Indonesian Surfer.
Nagbigay din ng talumpati si House Speaker, SEA Games Organizing Committee Chairperson Alan Peter Cayetano at Philippine Olympic Committee President Abrahan Tolentino.
Si Executive Secretary Salvador Medialdea ang pormal na nagdeklara ng pagtatapos ng Biennial Meet sa pamamagitan ng pagpatay ng apoy sa Kawa o Cauldron.
Ipinasa na rin ang SEA Games Flag sa Vietnam para sa pagho-host nito sa 2021.
Main performer ng seremonya ang Black Eyed Peas, sa pangunguna ni Apl.De.Ap na kumanta ng 10 awitin para purihin ang lahat ng atleta.
Huling napanalunan ng bansa ang Championship noong 2005 nang maging host ito ng Regional Sports Event.