31 Indibidwal mula sa 9 Kabahayan, Inilikas dahil sa Landslide

Cauayan City, Isabela- Apektado ngayon ang nasa 31 katao mula sa 9 na kabahayan matapos maapektuhan ng pagguho ng lupa dakong alas-2:46 kaninang madaling araw sa Sitio Barikir, Yeban Norte, Benito Soliven, Isabela.

Ayon sa pamunuan ng MDRRMO Benito Soliven, naging alerto naman ang mga kinatawan ng barangay bago pa man sila makatanggap ng tawag at marespondehan ang sitwasyon sa lugar.

Sa kasalukuyan, inilakas na ang mga residente sa temporary shelter at evacuation center.


Ayon pa sa mga otoridad, may bahagi ng lupa ang lumambot dahilan para gumuho ito pero pag-aamin ng MDRRMO batay sa pagsusuri ay landslide prone area ang lugar.

Maswerte namang walang naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente habang wala ring natabunan na kabahayan dahil mataas ang lebel ng lupang kinatitirikan ng mga kabahayan.

Kaagad rin na nabigyan ng relief goods ang mga apektadong indibidwal.

Magpupulong naman ang lokal na pamahalaan upang mailipat na ang mga residente sa inilaang lugar na pagtatayuan ng kanilang bahay.

Patuloy naman ang ginagawang road clearing operation upang tanggalin ang mga natabunan sa naturang pagguho ng lupa.
📷Arcelie Viernes Alejandro

Facebook Comments