31 mga lugar sa bansa, lubog pa rin sa baha – NDRRMC

Nananatiling lubog sa baha ang ilang lugar sa bansa.

Bunsod ito ng naranasang sama ng panahon sa ilang bahagi ng bansa.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kabilang sa flooded areas ay ilang munisipalidad at bayan sa Oriental Mindoro, Camarines Sur, Naga, Camarines Norte, Albay, Catanduanes, Eastern Samar, Northern Samar, Leyte, Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte.


Sa nasabing bilang 5 ang mula sa MIMAROPA, 2 sa Region 5, 3 sa Region 8 at 21 lugar sa Region 9.

Samantala, base pa sa datos ng NDRRMC mayroon din namang mga lugar ang unti-unti nang humuhupa ang baha.

Nakapagtala rin ng landslide at ipu-ipo sa mga nabanggit na rehiyon.

Facebook Comments