Philippine Embassy sa Qatar, naglagay ng passport renewal center para sa OFWs doon

May bago nang lokasyon ang Philippine Passport Renewal Center (PaRC) ng Philippine Embassy sa Qatar.

Bunga nito, ang mga Pinoy sa Qatar ay maaari nang mag-renew ng kanilang passport sa bagong lokasyon, epektibo sa January 1,2023.

Bukas ang Philippine Passport Renewal Center araw-araw mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.


Nilinaw naman ng embahada na maaari pa ring mag-renew ng kanilang passport ang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa mismong embahada.

Facebook Comments