31 Rebel returnees, Empleyado na ngayon ng Provincial Government ng Cagayan

Cauayan City, Isabela- Ipinagmamalaki ni Governor Manuel Mamba ang 31 rebel returnees na pawang mga empleyado na ngayon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.

Ayon kay Mamba, hindi siya magdadalawang isip na maging bahagi ng provincial government ang mga dating rebelde na magbabalik-loob sa pamahalaan.

Giit ng gobernador, maayos na nagtatrabaho ang nasabing mga returnee’s kung kaya’t hinihikayat nito ang iba pang na magbalik-loob na sa pamahalaan para sa bagong buhay.


Itinanggi naman ng opisyal ang ilang pagpapahayag ng mga rebeldeng grupo sa kabundukang bahagi ng Cagayan na magiging komunista ang Pilipinas.

Samantala, taun-taon namang nakatatanggap ng P500,000 ang lahat ng barangay sa Cagayan para sa programang ‘No Barangay Left Behind’.

Plano rin sana ng provincial government ang pagsasapubliko sa mga malalaking pangalan at kumpanya na patuloy na namimigay ng tulong pinansyal sa mga New People’s Army.

Kinumpirma pa nito na may ilang grupo at personalidad sa Isabela ang patuloy na nagkakaloob ng pinansyal sa mga NPA.

Facebook Comments