32 Distressed OFWs, Tumanggap ng Financial Assistance sa DOLE, OWWA Region 2

Cauayan City, Isabela- Kabuuang 32 distressed OFWs ang binigyan ng tulong ng DOLE region 2 katuwang ang Overseas Workers Welfare Administration Regional Welfare Office No. 2 (OWWA RWO 2) sa ilalim ng Balik Pilipinas, Balik Hanapbuhay (BPBH).

Ang 17 OFWs ay nabigyan ng P20, 000 bawat isa, 14 OFWs naman ang tumanggap ng P10, 000 at ang isa naman ay nakatanggap ng P5, 000.

Bahagi ng pagsisimula ng livelihood project ang ipinagkaloob na suporta sa mga ito upang ipandagdag sa kanilang nanaising negosyo.


Pinuri naman ni DOLE RO2 Regional Director Joel M. Gonzales ang naging tugon ng OWWA hinggil dito habang nakatakdang magbigay naman ng iba pang suporta ang ahensya sa pamamagitan ng programa at serbisyo upang tulungan ang iba pang posibleng benepisyaryo.

Facebook Comments