32 KATAO, NABENEPISYUHAN SA PROJECT "SUBLI"

Masayang nabenepisyuhan ang 32 indibidwal mula sa Sitio Dibigen, Brgy. Minanga, San Mariano, Isabela sa Project SUBLI “Pig Farming Business” ng 1st Isabela Provincial Mobile Force Company, IPPO sa pangunguna ni PLTCol Jeffrey D Raposas, Force Commander.

Ang livelihood package na iginawad sa mga benipisyaro ay nagkakahalaga ng Php50,000.

Nagbahagi naman ng makabuluhang mensahe sina PCol Julio R Go, Provincial Director; Brgy. Chairman Felimon C Pamittan; DA-Isabela Agricultural Center Chief II/Station Manager; Dr. Jacqueline Gumiran at mensahe ng pasasalamat mula kay Mr. Meliton Gamulao, President ng SUBLI Dibigen Association sa napakagandang negosyo package na ipinagkaloob sa mga napiling benipisyaryo na makakatulong sa kanilang pangunahing pangangailangan at maayos na pamumuhay.

Naging matagumpay rin ang aktibidad na sumusuporta sa EO No. 70 (NTF-ELCAC) dahil na rin sa aktibong partisipasyon ng ilang indibidwal mula sa Department of Agriculture (DA).

Facebook Comments