ISANG WANTED PERSON, NAHULI SA LUNGSOD NG CAUAYAN

Cauayan City, Isabela- Matagumpay na naaresto ng magkatuwang na pwersa ng 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company at Cauayan City Police Station ang isang wanted person na lalaki sa Barangay Alinam, Cauayan City, Isabela.

Ang suspek ay kinilalang si Jayson Felipe, 34 taong gulang, walang asawa, isang laborer at residente rin ng barangay Alinam. Hinuli si Felipe matapos isilbi ang warrant of arrest nito sa kanyang barangay na inisyu ng RTC Branch 20, Second Judicial Region, Cauayan City, Isabela para sa kaso nitong Attempted Murder o Tangkang Pagpatay.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng 2IPMFC ang suspek at siya ay pansamantalang makakalaya kung makakapag lagak ng kanyang piyansa na P120,000.

Facebook Comments