33 MAGSASAKANG IPINADALA PARA SA FARMERS INTERNSHIP PROGRAM, NAKAUWI NA

Nakauwi na mula sakanilang limang buwan na kontrata ang 33 sa 48 na magsasaka mula sa ikalawang batch na ipinadala sa Jinan Country para sakanilang Farmers Internship Program noong Abril 29, 2022.

Mainit silang sinalubong ng kanikanilang mga pamilya na sabik na sabik sa paghihintay para sakanilang pagbabalik.

Dumating ang mga nasabing magsasaka sa lalawigan ng Isabela noong October 1, 2022 sa Provincial Capitol.

Ang Farmers Internship Program ay isang inisyatibo ni Gov. Rodito Albano III na naglalayong tumulong sa mga Isabeliñong magsasaka na makamit ang kanilang pangarap sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga pagkakataong makapasok sa limang buwang Seasonal Agriculture Sector Development Exchange program sa mga bansang Wangu, Yanggu, at Jinan na makatutulong na mapahusay ang kanilang kaalaman, kasanayan, at karanasan, sa paggamit ng mga modernong teknolohiyang pang-agrikultura at mga inobasyon habang kumikita ng karagdagang kita para sakanilang pamilya.

Samantala, 15 na magsasaka mula sa ikalawang batch ang umuwi nang mas maaga dahil sa mga isyu sa kalusugan at pamilya, at ang iba ay umalis sa programa nang mas maaga ngunit nasa South Korea pa rin at maaring nagtatrabaho na sa labas ng programa.

Facebook Comments