Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, ipatutupad ng ilang kompanya ng langis bukas

102

Sa gitna ng pagpapatupad ng dagdag-pasahe sa mga pampublikong sasakyan, ipatutupad naman ng mga kompanya ng langis ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo, bukas, Oktubre 4.

Tinatayang nasa ₱0.40 ang itatapyas sa presyo ng kada litro ng gasolina, habang ₱0.45 sa kada litro ng diesel, at ₱0.85 sa kada litro ng kerosene.

Ipapatupad ng Shell, Seaoil at Petro Gazz ang taas-presyo epektibo bukas ng alas-6:00 ng umaga, habang ang Cleanfuel at Caltex naman ay mamayang 12:00 ng hatinggabi.


Ito na ang ika-limang sunod na linggong magkakaroon ng bawas-presyo sa petrolyo.

Facebook Comments