33 na katao patay matapos magsalpukan ang fuel truck at bus sa Congo

66

Aabot sa 33 na katao ang patay matapos magsalpukan ang isang fuel truck at bus sa Democratic Republic of Congo.

Ayon kay local police captain Antoine Pululu, nagdulot ng sunog ang salpukan ng dalawang sasakyan.


Nangyari ang aksidente malapit sa village ng Kibuba sa dakong National Route 1 na may layong 80 kilometro mula sa capital na Kinshasa.

Nabatid na madalas ang ganitong insidente sa Congo dahil puno ng mga lumang sasakyan ang mga daanan dahil sa hindi pagsunod sa regulasyon ng safety norms and roads.

Facebook Comments