34.6 milyong halaga ng shabu nakumpiska ng PNP sa isang TNVS driver sa Caloocan

Arestado ang isang lalaki matapos ang ikinasang buy-bust operation ng Drug Enforcement Unit ng Caloocan City Police Station sa isang subdivision sa Barangay 179, Caloocan City, kahapon bisperas ng Pasko.

Sa ulat na nakarating kay Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas, 5.1 kilograms na may standard drug price na P34.68 milyon ang nakuha sa naarestong drug suspek na kinilalang si Uriel Hewe Jr. alyas ‘Bong’ at residente ng Barangay 179, Caloocan City.

Si Hewe ay Transport Network Vehicle Services o TNVS driver.


Ang nakumpiskang shabu ay nakalagay sa limang pirasong malalaking sealed transparent plastic bag, tatlong piraso ng foil wrapped Chinese tea bag na may label na Guanyinwang na nakalagay sa trolly travelling bag.

Nakuha rin sa suspek ang digital weighing scale, dalawang baril, cellphone, cash na mahigit P10,000 at buy-bust money.

Batay pa sa record ng pulisya si Hewe ay nasa Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) watchlist.

Facebook Comments