340,000 halaga ng shabu, nakuha sa 2 drug suspek sa Caloocan City

94

Huli ang dalawang drug suspek matapos makuhaan ng ilang gramo ng shabu sa Barangay 138 Bagong Barrio, Caloocan City.

Kinilala ang mga ito na sina Veronica Ramos, 32 anyos residente ng Quezon City at Tammy Jim Tolin 39 anyos residente rin ng caloocan city.


Sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nagsagawa ng buy bust operation ang mga tauhan ng Northern Police District matapos makatangap ng intel report sa transaksyon ng mga suspek.

Ikinasa ang buy bust operation sa De Jesus St, Barangay 138 Bagong Barrio, Caloocan City kung saan nakuha sa mga suspek ang 50 gramo ng shabu na may standard drug price na 340,000 pesos.

Agad na inaresto ang mga suspek na ngayon ay nakakulong na at nahaharap sa kasong paglabag sa Article II ng Republic Act 9165 O Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2012.

Facebook Comments