Aabot sa 35 barangay sa Ilagan City ang isinailalim sa lockdown dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Naganap ito mula alas-8:00 ng gabi kahapon hanggang alas-8:00 ng gabi sa October 4.
Ang 35 barangay na isinailalim sa lockdown ay ang; Alibagu, Guinatan, Calamagui 2nd, Baculod, Bliss Village, Bagumbayan, Baligatan, Osmena, Sta. Barbara, San Vicente, Centro Poblacion, San Felipe, San Ignacio, Cabisera 2, Cabisera 4, Alinguigan 1st, Fuyo, Salindingan, Namnama, San Juan, Cabannungan 2nd, Alinguigan 2nd, Centro San Antonio, Manaring, Calamagui 1st, Camunatan, San Isidro, Siffu, Naguilian Norte, Cabisera 3, Cabiseria 8, Aggasian, Marana 3rd, Naguilian Sur, and Cabisera 22.
Dahil sa kautusan, pagbabawalan nang lumabas ng bahay ang mga mamamayan kung saan mananatili ang curfew mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.