Cauayan City, Isabela- Nagpositibo sa COVID-19 ang 35 na katao mula sa Lungsod ng Santiago.
Ito ay resulta ng malawakang ginagawang contact tracing at mass testing ng Lokal na Pamahalaan sa mga close contacts ng mga nakaraang nagpositibo sa Lungsod.
Sa 35 na bagong kaso, 32 dito ang vendor at service crew sa New Public Market, at tatlo (3) naman ang health care workers.
Tatlumpu’t apat (34) sa mga bagong kaso ang asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng COVID19 habang may isang (1) kaso ang mayroong nararanasang mild symptoms.
Patuloy naman ang pagsasagawa ng maigting na contact tracing at malawakang swab testing ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) sa mga iba pang posibleng nakasalamuha ng mga bagong kaso.
Facebook Comments