MANILA – Tatlumpu’t limang (35) lokal na opisyal ang tinukoy ni President-elect Rodrigo Duterte na sangkot umano sa ilegal na droga sa bansa.Ayon kay Quezon Province Rep. Danilo Suarez, pinangalanan ni Duterte ang 35 local officials sa harap ng mga mambabatas kasama sina House Speaker Feliciano Belmonte Jr. at Incoming House Speaker Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez.Aniya, binibigyan ni Duterte ng pagkakataon ang mga ito na umamin na sa kanilang kasalanan at magbitiw na sa kanilang posisyon.Tumanggi naman si Suarez na pangalanan ang mga opisyal pero sinasabing kabilang dito ang ilang alkalde at gobernador.Idinagdag pa ni Suarez na inilatag ni Duterte ang mga panukalang batas na gusto niyang ipasa ng kongreso kabilang na ang pagbabalik ng parusang kamatayan.Una nang ibinulgar ni Duterte na tatlong Heneral ng PNP ang umano’y korap at sangkot din sa ilegal na droga.Binalaan din nito ang mga Heneral na mag-resign na lamang at huwag nang hintayin na maupo siya bilang pangulo para makaiwas sa matinding kahihiyan kapag ibinunyag ang kanilang mga pangalan.
35 Lokal Na Opisyal, Sangkot Umano Sa Droga Ayon Kay President Elect Rodrigo Duterte
Facebook Comments